Tuwing Linggo, ala-una hanggang ala-singko ng hapon, kasama ng mga batchmates ko at ng isang 3rd year dito sa San Pablo Theological Formation House (SPTFH) - Tagaytay City kami ay nag-aapostolate sa Chosen Children Village (CCV), Silang, Cavite. Dalawa sa amin ang na-atasan sa cottage ng mga "Toddlers." Dalawa din ang na-atasan sa amin sa cottage ng mga "Wheelchair-bound" children. At dalawa naman ang naatasan sa cottage ng mga "Hyper-active" children.
Sa unang araw ng aming apostolate sa CCV ay talagang naramdaman ko ang pagod. Ako ay isa sa mga naatasan sa cottage ng mga "Hyper-active." Sinubukan kong kilalanin sila at malaman ang kani-kanilang mga sitwasyon. Ilan sa mga kondisyon nila ay ang mga sumusunod: down syndrome, hydrocephalus, cerebral palsy, blindness, deafness, muteness, etc. Matapos kong malaman ang kanilang kondisyon, may naramdaman akong awa sa mga bata. Marahil ito ang naging dahilan rin ng paghigop ng lakas ko: ang makita at malaman ang kanilang kondisyo. Isa-isa ring isinalaysay ng "care giver" na si Papa Cris (ang tawag ng mga bata sa kanilang caregiver na lalaki ay "Papa" at sa babaeng caregiver naman ay "Mama" upang masanay silang gumalang at makakita ng "Father" at "Mother" figure sa CCV) ang mga istorya kung papaanong napapunta ang mga bata sa CCV. Sabi ni Papa Cris na ang ilan sa kanila ay pina-ampon ng mga magulang sapagkat wala silang kakayahan pa ipagamot ang kalagayan ng kanilang mga anak. Ang iba namang mga bata ay basta na lamang iniwan sa mga bahay-ampunan at Simbahan sa iba't ibang lugar sa Pilipinas

Matapos kong marinig ang mga istorya ng buhay ng mga bata, nasabi ko sa aking sarili: "Bakit naman iniwan ng mga magulang ng mga batang ito ang kanilang mga anak? Dahil ba sa may kakulangan sila? Dahil ba kakaiba o hindi normal ang kanilang itsura at kinikilos?" Sa huli, nasabi ko sa aking sarili, "Maraming salamat sa aking mga magulang at ako'y kanilang inalagaan, pinalaki at minahal!"
Nakilala ko ang mga batang sina Paul (na may sakit na cerebral palsy pero normal ang pag-iisip), si Ariel (na bulag), si Darwin (na may cerebral palsy at cross-eye), si BG (na may down syndrome), si Miggy (na may global development delay), si Dickson (na may down syndrome), si Gino (na may global development delay at pipe), si Jericho (na may hydrocephalus), si Angel (na bulag)... So far, sila pa lang ang naaalala ko ang mga pangalan.
Kahit na ako ay naka-upo, nakikipaglaro at nakikipag-usap lang sa mga bata, ramdam ko ang Kailangan talagang magbibigay ako ng oras, pasensyang makinig sa kanilang bulol na pananalita at sa kanilang kondisyon. Bagamat hindi nila tuwid na nabibigkas ang mga salita, nararamdaman ko ang diretso nilang pakikipagkaibigan. Ramdam ko na bukas sila sa pagmamahal at handa rin silang magbigay ng pagmamahal. Sinsero ang kanilang pakikipag-ugnayan sa kagaya kong bisita. Walang halong pagkukunwari at walang anumang itinatagong pag-uugali. Spontaneous!
Madalas na nagpapansin si Paul sa akin dahil marami syang tanong... "What did you eat this morning, brother? What did you eat this lunch? What is your supper? How about spaghetti? How about ice cream? How about fish? Did you eat rice? How about juice?" Sus, ginoo puro pagkain ang tanong... yan ang madalas naming pag-usapan... pagkain, pagkain at pagkain. Si Paul ay hindi talaga nakatira sa Cottage ng mga "Hyper." Sabi ng caregiver na si Papa Cris, siya daw ay "punished" dahil kinagat niya ang isang bata na nagngangalang Ivan mula sa Cottage ng mga "Functional" (tawag sa mga batang mayroon nang nagagampanang responsibilidad o trabaho sa CCV).
Pero minsan itong si Paul ay nagtanong: "Is Jesus in your heart?" Pina-ulit ko yung tanong niya sa akin baka kasi nagkamali lang ako ng pandinig... "Is Jesus in your heart?" Talagang yun ang tanong niya! Nagulat ako kasi hindi ko akalain na matatanong ako ni Paul ng ganun. Pero tumugon ako sa kanya: "Yes! Jesus is always in my heart!" Akala ko tapos na ang tanong niya... Naku po at nagsunod-sunod na nga ang tanong niya. Para bang mga tanong sa Introduction to Christology, Mariology at Eschatology ang tanong niya... "Is Jesus did not able to breathe when He was crucified? How about the two thieves? Did Jesus forgave them too? How about the 'Bread'? Jesus is 'Bread'? Why did they killed Jesus? Why did they punished Jesus? Is there foods in Heaven? Is the clouds in heaven soft? Why did they crucified Jesus? Why did Jesus let them to crucified Him? How about the blood, brother? The blood of Jesus? Is Mary the Mother of Jesus?" at marami pang ibang Theological Questions! Grabe... napahiya talaga ako sa mga tanong ng batang ito. Nasa isip ko ng mga oras na iyon ay kung papaano ko sasagutin ang mga tanong niya sa paraan na mauunawaan niya. Matalino si Paul kahit paulit-ulit ang kanyang tanong.
3:30 PM na! Kapag ganitong oras na sa CCV, inuutusan na ni Papa Cris si Gino na maglagay ng mga tubig sa mga baso na nasa hapag-kainan nila. Samantalang kami ng "caregiver," kasama kong isang seminarista na si Jericho Jabay, Miggy, Niño, at isa pang batang "functional" ay dadako sa kusina ng CCV para kuhanin ang mga pagkain ng mga bata. Suot na namin ang aming mga panaklob sa ulo at kung umuulan kami ay nagsusuot ng kapote.
Pagkakuha ng mga pagkain agad kaming bumalik sa "Hyper" Cottage para hati-hatiin o partihin ang mga pagkain. Tinikman ko ang pagkain nilang masabaw na may gulay... ang tabang! Tinikman ko ang blended na pagkain para sa mga batang hirap lumunok... ang tabang din! Tinikman ko ang dessert nila... sobrang tabang! Pero sinabi naman sa akin ng "caregiver" na kaya matabang ang mga pagkain ng bata ay dahil na rin sa kalagayan nila... Bawal kasi ang maaalat at sobrang tamis na mga pagkain sa kanila.
Pero napansin ko na sa kabila ng katabangan ng lasa ng pagkain, said na said naman kapag naubos na ng mga bata. Wala silang pinipili. Hindi sila "choosy" sa pagkain. Sabi nga ng "caregiver," para bang "panginoon" nila ang pagkain. Sinisimot nila hanggang sa huling butil ng kanin at huling patak ng sabaw. Sulit at walang sayang!
Kahit na yung sinusubuan ko ng "blended foods" na si Darwin ay talaga namang ubos rin. Yun nga lang tiyagaan ang pagpapakain sa kanya. Dahil kapag sinubuan ko ng pagkain, niluluwa niya. Pero mapapansin naman kapag niluwa niya, may nababawas naman. Kaya ang technique: pagkaluwa ng pagkain, sasambutin ko ng kutsara at agad na isusubo ko sa kanya. At kailangan pang kantahan itong si Darwin. Napansin ko kasi na habang kinakantahan ko siya ng "Amare et Servire" napapagana siyang kumain. Kaya another technique na naman yun sa pagpapakain sa kanya. Kahit na huli kaming natatapos ni Darwin, ubos naman at said ang pagkain!
Pagkatapos pakainin ang mga bata, sila ay sisipilyuhan, hihilamusan at bibihisan ng pantulog na damit. Kakaibang eksena naman ito dahil talagang labanan ng sipaan at kagatan ito. May mga bata kasi na habang sinisipilyuhan ko ay nilulunok yung kanilang pinagsipilyuhan na bula. Tapos, yung iba ang hirap sipilyuhan para ba kasi silang nagwawala. Pagkatapos nilang sipilyuhan, sila ay hihilamusan at ang iba naman ay papalitan ng "pampers" at susuotan ng kanilang pajama. Yung mga batang bulag at sobrang "hyper" ay sinusuotan ng "straight jacket" tapos itatali sa kanilang kama para hindi tumakas o maaksidente. Pagkatapos, mag-uuwian na kaming mga brothers.
Oo, nakakapagod talaga ang apostolate. Pero sa kabila nito, may kakaibang saya akong naramdaman sapagkat alam ko na nakapagbahagi ako ng oras sa iba, higit sa lahat sa katulad nilang may mga kapansanan. Sulit ang pagod sapagkat sa kabila ng kanilang mga kondisyon, marami silang itinuturong aral. Tinuruan nila akong magmahal. Tinuruan nila akong maging mapagpasensya. Tinuruan nila akong makinig. Tinuruan nila akong maging simple. Tinuruan nila akong maging tapat. Tinuruan nila akong maging "bata" gaya ng sinabi ng Panginoong Hesus.

No comments:
Post a Comment