Monday, July 11, 2011

Balintataw ng Kaibuturan ng Saloobing Nagtataka't Nagtatanong

May mga bagay na sadyang mahirap maunawaan...

May mga bagay na akala mo permanente... Kapagdaka'y nagbabago rin...

Hindi mo alam ang magiging hatid nito sayo...

Pero may mararamdaman na wari'y tubig at langis na hindi mo kayang pagsamahin...

Kung dati'y hatid nito ay isang mainit na pagtanggap...

Ngayon mararamdaman mo ang ligamgam at unti-unting paglamig...

May mga bagay na kahit hindi umiimik ay mararamdaman mo ang ninanais nitong mensahe...

Kailangan mo lamang magmatyag, damdaming dalisay at ala-ala na kayang magtagni-tagni ng mga sitwasyon...

Kala ko sa pelikula lang nangyayari, pero sa totoong buhay meron din pala...

Ang dating gamit na gamit na bagay, maaari din palang itapon na lang at balewalain...

Kung sa bagay nagamit na nga... Kung sa bagay napagsawaan na...

May pagkakataon na ang bilis natin sentensyahan ang mga bagay... "Pag ayaw, tapon... Pag ayaw, iwas!"

Kalimitan tinitingnan natin kung ito ay magpapasaya sa atin... Ika nga ng mga chongki boys: "Cool!"

Pero papaano pag hindi na "Cool" at ito ay matabang na sa iyong panlasa at pamantayan... Babalewalain na lang ba? Itatapon rin ba? O di kaya'y huhusgahan na lang at susunugin sa incenerator...

Kalimitan ang pamantayan lamang natin ay ang mga sumusunod: Nagpapasaya ba ito sa akin? Masarap ba ito? Hindi ba ito kumukontra sa akin? Hindi ba ito taliwas sa gusto ko?

Ito ba ay pabor sa layaw at bisyo ko? At marami pang iba na tanging pumapatungkol lamang sa maramot na "ako!"

Dahil nga sa mga tanong na ito, kalimitan hindi na natin nakikita ang pinakasustansiya at esensiya ng isang bagay...

Natutuon na lamang ang atensiyon sa mga aksidente nito... Natutuon lamang ang atensyon sa mga panlabas na katangian, at hindi talaga sa pinakapuso ng isang bagay...

Baka dumating ang araw na ang akala mong basura na tinapon mo ay babalik rin sa'yo...O di kaya nama'y ang akala mong basura ay balikan mo!

1 comment:

Tiradauno said...

http://christianlyrics4u.blogspot.com/2011/04/balintataw-ng-diyos-christian-song.html?showComment=1403595416254#c4043168649614758181