Friday, July 27, 2012

NINGAS TUNGO SA LAGABLAB




“NINGAS” – ang pangalan ng aming grupo na napagkasunduan naming pitong mga seminarista ng SPFY. Bago pa kami humantong sa pangalan ng “ningas,” marami pang mga konsepto o ideya ang aming pinag-usapan at pinagnilayan bago pa kami makapagdesisyon sa aakmang pangalan ng aming batch o grupo. Makikita sa mga suhestiyon ang pagkakaiba-iba ng pananaw o paningin sa bawat miyembro ng aming grupo. Bagama’t mayroon kaming pagkakaiba-iba, humantong kami sa iisang desisyon na masasabi ko na naroon ang pag-angkin sa pangalang akma sa aming grupo… Ningas!
            May pagkakataon rin na pumasok rin sa aking isipan na ang “ningas” ay baka maging “ningas-cogon.” Ito yung apoy na bigla-bigla na lamang magliliyab pero sa ilang sandali lang namamatay rin agad. Kaya naman sa puntong ito, dito ko nasimulan ang aking pagninilay na kung saan ang pag-aasam sa “ningas” na ito ay hindi maging “ningas-cogon.” Bagkus, ang “ningas” ay magpatuloy sa isang lagablab o isang malaking apoy. Magandang simula na ang magkaroon ng “ningas,” yung nga lang napakasensitibo pa nito. Delikado pa ang “ningas” sa mga simpleng ihip ng hangin, patak ng tubig at ilan pang mga bagay na pwedeng pumatay agad sa ganitong uri ng apoy. Pero sa mumunting apoy na ito na tulad ng “ningas,” dito nagmumula ang lagablab.
            Sa aking buhay-seminarista, maihahalintulad ko rin ang aking sarili sa “ningas” ng apoy na nangangarap na maglagablab rin balang-araw. May mga pagkakataon pa rin na humihina ang “ningas” ng aking disposisyon para manatiling tapat sa Diyos. May mga pagkakataon rin na ang aking pagtuklas sa sarili, pagpapabanal at pagtulong sa kapwa ay napaghihinaan rin ng “ningas” dahil sa mga nakapaligid sa akin na tila ba humahadlang o kumokontra upang lumaki ang apoy ng aking pagnanais na makasunod kay Hesus. Sadyang masasabi ko na ang mumunting “ningas” na tinataglay ko ay kinakailangan ng ibayong pag-iingat at pag-aalaga upang sa gayon ay magpatuloy sa malaking apoy sa aking sarili. Kung hindi ko ito iingatan at aalagaan, baka sa kaunting patak lang tubig o mahinang ihip ng hangin ay mamatay rin ito agad.
            Sa aming paggawa ng rationale, vision at mission sa aming grupong “Ningas,” natutunan ko ang mga bagay-bagay kung papaano ang mumunting ningas kong tumugon sa Diyos na nasa puso ko ay makapagpatuloy sa malaking pagliliyab o lagablab ng pag-aasam na makapiling at hangarin lamang ang Diyos na tumatawag sa akin. Sa aming pagbalangkas ng magiging katangian, pananaw at hantungan ng pangalang “Ningas,” nabatid ko ang mga bagay na magsisilbing “gas” at “gatong” upang makatulong sa pagpapalaki ng ningas na nasa aking sarili. Tinalakay namin ang iba’t ibang aspeto ng paghuhubog na kung saan namin mapapakita at mapapalaganap pa ang pagningas ng aming bokasyon: pagiging makatao, pagiging espirituwal at pagiging pastol.
            Batid ko rin na mamatay ang ningas na aking tinataglay kung wala ang grasya at awa ng Diyos. Alam ko na sa Kanya nagmula at nagmumula ang mga kinakailangan kong lakas, inspirasyon at iba ko pang pangangailangan upang sa gayon ang mumunting ningas na aking nasumpungan ay maglagablab na nakalayon lamang na ibalik muli ito sa Diyos at ibahagi sa iba pang mga nangangailangan na nag-aasam rin na mapalaki ang ningas ng kanilang pag-aasam sa pagpapakabanal.
            Kaya naman, laging hinihiling ko sa Diyos na sana’y huwag mamatayan ng ningas ang aking sarili… ang aking pagtugon… ang aking nararamdamang pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa Kanya para sa gayon ay magpatuloy na ang mumunting apoy na ito sa isang lagablab ng pagpapakabanal. At nawa ang ningas na tinataglay ko ngayon ay maging daan sa aking patuloy na pagbabago ng aking puso, pagdadalisay ng aking hangarin sa pagtugon sa Diyos at pagpapalakas ng paninindigan na sumunod lamang sa Panginoon.

PRE-SPFY RETREAT: PAMAMAHINGA, PAGTUGON AT PAGBALIK


            Ang pagdadaanan ko ngayong programa ay isang pahinga. Pahinga sa pag-aaral o mga gawaing akademiko. Gayunpaman, napagtanto ko na ito ay pamamahinga na may intensibo at espesyal na pag-aaral at pagsusuri ng aking mismong sarili… ng aking mismong puso… ng aking mismong kalooban na naka-ugnay sa Diyos na tumatawag sa akin at sa aking kapwa na balang-araw ay aking paglilingkuran. Sa ganitong espesyal na pag-aaral at pagsusuri, matingkad ang pangangailangan ng katahimikan upang makita ko sa aking sarili ang tunay kong kahinaan: ang pagiging maingay ng aking puso. Ang katahimikang ay kinakailangan sa pamamahingang ito upang lalo ko pang makita ang aking sarili bilang “ako mismo talaga” sa pakikitungo ko sa Diyos, sa aking kapwa at sa mismo kong sarili. Kabaligtaran nito, nakita ko na ang aking kadaldalan o pagiging masalita na nagmumula lang sa aking ego ay nagdudulot lamang ng kapaguran sa aking pagkatao. Samantala, ang pagsasalita ng Diyos sa akin sa pamamagitan ng pagtahimik ay nagbubunga ng kapayapaan at nagdudulot ng lakas na siyang tunay na inihahatid ng pamamahinga.
Ang pagsasalita ng Diyos sa akin ay hindi lamang nagdudulot ng pagbawi ng lakas ng pagal kong katawan o puyat na aking dinanas; bagkus, ito ay isang tunay na pamamahinga para bawiin ang lakas ng aking espiritu o kapuyatan na dinanas ng aking kalooban. Batid ko na napagaan nito ang aking kalooban, napanatag nito ang aking puso at muling napalapit ako sa Diyos sa kabila ng marami ko pang kakulangan upang maisakatuparan ng buo ang pamamahinga sa pre-SPFY Retreat. Ang Retreat na ito ay nakatulong sa akin para lalo ko pang marinig ng malinaw ang tawag ng Diyos sa akin. Kaya naman sa mga araw ng pamamahingang ito, narinig ko ang tinig Niya sa aking pananahimik. Ito ang pagkakataon na nalaman ko ang tunay na pinag-iingay o idinadaldal ng aking puso: ang makipagkuwentuhan sa Diyos.
            Habang ako ay nakikipagkuwentuhan sa Diyos, pagtugon naman ang pumapaloob sa bawat salita na Kanyang binabanggit. Naramdaman ko na nahihirapan ako sa aking pagtugon sa Kanyang mga salita, sapagkat ang bawat salita Niya ay tila mga tabak na tumataga sa aking pagkatao at humahamon sa aking pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa Kanya. Sa aking pagtugon sa Kanyang salita, sa Kanyang paanyaya, para bang may hamon na hinihingi Siya sa akin. Ito yung hamon ng pagwalay (detachment) sa aking sarili, sa aking buhay na nakagisnan at sa aking mga kasalanan. Sa aking pagtugon habang kausap Siya, para bang pinapaalala Niya ang mga katagang kagaya nang nasa pelikula na “Maging Akin Kang Muli.” Alam ko na kalakip ng pagtugon sa Kanyang tawag ay ang paninindigan na kalakip ang mga obligasyon at mga responsibilidad. Batid ko na ang pagtugon sa paninindigan ng Kanyang pagtawag sa akin ay hindi lamang nakadepende sa akin. Naniniwala ako na ang pagtawag Niya, ang Kanyang inisyatibo at ang Kanyang mismong pagkilos, ang Siya pa ring paghuhugutan ko ng lakas at inspirasyon. Kung tutuusin kapiranggot lamang ang aking kontribusyon kumpara sa hindi masukat at hindi malirip na kadakilaan at kapangyarihan ng Diyos na tumatawag sa akin. At ang kapiranggot na kontribusyon kong ito ay ang pagtugon sa Kanyang walang-sawang pagyakap ng Kanyang pag-ibig sa akin, sa kanyang paulit-ulit na pagpapakita sa akin na ako ay mayroon pang pag-asa at sa walang-humpay na paraan Niya para ako’y sumampalataya at magtiwala sa Kanya. Alalaongbaga’y napagtanto ko na ang hinihiling Niyang tugon sa akin ay ang aking pagbalik sa Kanya.
Kaya naman, sa aking pagbalik sa Kanya, batid ko ang mga biyayang ibinibigay Niya. Nandiyan ang mga kasama kong mga taga-hubog na mga pari at mga kapwa ko seminaristang naglalakbay na tumutulong at gumagabay sa aking paglalakbay para ako’y muling makabalik sa Kanya. Sa pamamagitan nila, alam ko na makakapaglakbay ako sa mismo kong sarili, sa aking kaibuturan, na naglalayong maging sisidlan rin ng pag-ibig ng Diyos na tumatawag sa akin. Sa tulong rin nilang mga kamanlalakbay ko, doon ko naramdaman at mararamdaman pa ang paghuhubog ng Diyos ayon sa Kanyang disensyo para sa akin. Alam ko na sila ang makakatulong sa akin upang idisenyo ang gula-gulanit (brokenness) kong puso ko ayon sa kalooban ng Diyos.
Ang pagbalik ko sa Diyos, gaya ng “Parabula ng Alibughang Anak,” ay hindi lamang naka-base sa sarili kong kakayahan o sa sarili ko lamang na pagkaka-unawa. Alam ko na hindi ko mararating ang layon ng Diyos para sa akin ng nag-iisa lamang. Mararating ko ito ng may kasama. Kaya naman, napagtanto ko na maisasakatuparan ko lamang ang paninindigan na kalakip sa pagtugon at sa pagbalik sa tumatawag sa akin kung ako ay naka-angkla lamang sa Diyos, sa Grasyang nagmumula sa Kanya at sa mga taong pinili Niya upang ako ay makasagot sa Kanyang pagtawag ng “matamis na Oo” nang may buong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa aking kalooban.
Kaya naman, naging makabuluhan sa akin ang pre-SPFY Retreat sapagkat nasumpungan ko ang pamamahinga, pagtugon at pagbalik sa gabay at awa ng Diyos na siyang hindi nagsasawang tumatawag at nangangamusta sa akin.

Wednesday, August 10, 2011

LIMANG BIYAYA SA KABILA NG KARAMDAMAN


[draft]

Noong una, kapag ako ay nilalagnat o nagkakasakit, naiisip ko agad na maraming mga bagay o mga gawain akong hindi magagawa sapagkat ako ay mahina, masama ang pakiramdam, nahihilo o inaapoy ng lagnat. Pero sa pagkakataong ito, habang ako ay patuloy na nakakaranas ng paggaling mula sa pagkakatrangkaso, maraming mga bagay akong natutunan. Hindi ko sinasabi na O.K. lang na magkasakit. Nais ko lamang sabihin na sa kabila ng karamdaman o sakit ay mayroon pa rin tayong makukuhang mga aral at mga leksyon na inihahatid nito.

Narito ang unang LIMANG BIYAYA na aking nakuha sa kabila ng aking karamdaman:

1. MAS NAGING "CLOSE" AKO SA DIYOS. Alam kong maraming pagkakataon na pwede naman talaga akong mapalapit sa Diyos kahit hindi ako magkasakit. Pero sa puntong ito naramdaman ko na mas personal ang naging pakikipag-ugnayan ko sa Diyos sapagkat sa Kanya lamang ako umaasa at humihingi ng kalakasan. Dito ko naramdaman ang matinding kapit ko sa Diyos higit sa lahat sa pagkakataong ako ay nahihilo, namamanhid at nanghihina. Ang Diyos ang nagbibigay ng lakas sa akin upang ako ay tumayo. Kung hindi ko man kayang mag-isa, alam ko na ipinagkakalooban Niya ako ng mga taong handang tumulong sa akin sa kabila ng aking karamdaman.


2. NAKATAPOS AKO NG ISANG SPIRITUAL BOOK. Natapos kong basahin ang isinulat na libro ni Fr. Jose Francisco C. Syquia na may titulong "Exorcist: A Spiritual Journey."


Bukod sa pagkamangha at pagkabilib ko sa mga exorcists, napabilib din ako sa mga prinsipyo na sinabi niya sa kanyang libro. Ang librong ito ay pumapatungkol sa kanyang paglalakbay simula bata hanggang siya'y naging pari at naging exorcist. Ipinakita dito ang kanyang vocation journey. Nakita ko kung papaano na si Fr. Syquia ay humarap sa kanyang kahinaan at ito ay kanyang isinaayos. May mga ilang punto sa kanyang buhay niya na nagkakahawig kami kaya maraming punto sa kanyang pananalita sa libro ang talaga namang nakakuha at nakapukaw sa aking atensyon. Narito ang mga piling salita niya na kinuha ko o quotes mula sa kanyang libro na nagustuhan ko:


a. "The devil truly desires that we believe we can have total control over our destinies and that we have no need of God. That we can become happy without God, this is the ultimate lie. Imagine the devil, the ultimate prisoner and unhappy one passing himself off as the great dispenser of happiness and freedom. Our psychic abilities and all the powers of the devil (which is merely preternatural) can never compare with the supernatural power of God who governs with love and providence the entire universe." (Syquia, Exorcist, 103)

b. "...that which is greatest in a person is usually that which is not seen, that which one has given up and sacrificed, that which one has willingly lost." (Ibid., 128)

c. "Being true to our commitment to God is therefore of utmost importance if we are to truly glorify God and reach the destination his plans have prepared for us." (Ibid., 134)

d. "Commitment is like a map at the beginning of any journey; in the beginning we think we don't really need it because we see our goal so clearly, like a mountain climber who sees the mountain peak far away and the road leading to it. But then, during the journey there are times when the peak is shrouded in dense fog or some more alluring and easier paths appear along the way. In our life's journey, sooner or later come the moments of allure of other values, haziness, weakness, temptations, dryness, and distractions. Options will come and these options will seem to be better because of their intensity and accessibility. And that is when the map becomes indispensable because the choices laid before us have made it difficult to follow the best path to reach our goal. That is the time to focus on the map and be faithful to following it. The map tells us that the peak although hidden is still there. We trust in the commitment we have made (map) when the road we have chosen is not seen clearly at the moment. Then we realize those other roads may look better but better only for the moment and will not take us where we have chosen to go. Remaining steadfast in our commitments no matter what happens will lead us to make the right decisions that will help us reach goal. We trust that the commitment will bring us to our destination. It is therefore protects the chosen road that God has offered us. This faithfulness to one's commitment is what will bring us most intimately and securely to God at the end of the journey, one will be forever grateful, fulfilled, and at peace because he has followed faithfully his map (commitment)." (Ibid., 135-135)

e. "Seminary formation is truly challenging; all stimulations and pleasures that has continually distracted and has catered to the self-centered "old man" in us are suddenly not there anymore. The seminary put the person in an environment wherein he either starts to seek what is spiritual, the God and other-centered "new man," or ends up restless, bored, and unfulfilled. A seminarian has to be accustomed to silence and aloneness to become sensitive to the gentle presence of God." (Ibid., 149-150)

3. NATUTO AKONG HUMINGI NG TULONG.  Dahil nga sa nararamdaman kong panghihina at pagkahilo, natuto akong humingi ng tulong sa iba. Na-"break" talaga ang aking "Superman syndrome." Ramdam na ramdam ko na talagang may kahinaan ako. Syempre kaakibat ng pagkatuto kong humingi ng tulong sa iba, natutunan ko ang pagpapakumbaba. Natutunan ko rin ang maki-usap para sa tulong na aking hinihiling. Natutunan ko ring magsabi ng pasensiya dahil sa aking pag-utos sa aming infirmarian. At syempre ang pagkatuto ng pagsasabi ng SALAMAT!

4. BALANSENG BUHAY. Isa rin sa mga biyayang natanggap ko ay ang paalala  na magkaroon ng balanseng pamumuhay. Maraming pagkakataon kasi na ako'y nagpupuyat sa mga may kwenta at mga walang kwenta ring mga bagay. Ito rin ay magandang signos sa akin na hindi ko naman kinakailangan na maging matagumpay sa lahat. Kailangan ay balanse lang. Kaya rin siguro ako nagkasakit dahil may mga lifestyle ako na hindi na angkop sa aking kalusugan at kailangan ng alisin. May mga bagay na dapat kong gawin ulit, tulad ng paglalaro o pageehersisyo, para manumbalik ang dati kong natural na lakas. Ang lahat naman ng ito ay nakukuha at nakakamit sa balanseng buhay.

5. SIMPLENG BUHAY. Noong nagsimula akong nagkasakit, para bang bumalik ako sa simpleng pamumuhay. Simpleng pagkain. Simpleng inumin. Simpleng pananamit. Simpleng gawain lang ang pwede kong gawin dahil hindi ako pwedeng mabinat. Simpleng schedule. Lahat simple! Siguro ang pangyayaring ito ng pagkakasakit ay talagang matinding paalala sa aking ng kaSIMPLEHAN... Kung gusto kong mabuhay ng maayos, magaan at maluwag... ang Simpleng Buhay ay ang siyang sagot para dito. Hindi kumplikado, kaya no worries, no sickness!

Tuesday, August 9, 2011

KWENTO NG TRANGKASO



Agosto 4, 2011 - St. John Marie Vianney Day

Bungad pa lang ng Bisperas ng aking kaarawan, ika-4 ng Agosto 2011, dinner time at pagdiriwang namin ng Priest Day kasama si Msgr. Chito Bernardo, ay may nararamdaman na akong kakaiba sa aking lalamunan. Nangangati at parang barado. Hinala ko pa nga na ang dahilan nito ay ang pagkain ko ng paella na may mga sahog na seafoods tulad ng alimango, tahong atbp. Pagkatapos ko ng 2nd batch sa pagkuha ng paella, doon ko na naramdaman ang lalong pagkati ng aking lalamunan. Para bang may sumabit na kung ano sa aking lalaugan na pilit kong inuubo para lumabas.

Agosto 5, 2011 - My Birthday: Sono Ventotto!

Kinaumagahan, may nararamdaman na akong panghihina. Pero pinilit kong lumakas at maging aktibo pa rin sapagkat ito ay araw ng aking kapanganakan. Inuubo pa rin ako. Pagkatapos kong mag-almusal, dala-dala ang balangkas ng aking homiliya na nakapaloob sa plastic envelope, at habang binabagtas ang malakas na ulan papunta sa DWST, nararamdaman ko rin ang unti-unting pagbasa ng laylayan ng aking pantalon at likuran ng aking suot na kamiseta. Nagpatuloy ako sa pagpasok sa DWST sapagkat ako ang paniguradong kauna-unahang tatawagin ng aming guro sa Homiletics. Ang nabunot ko kasi ay 1st Sunday of Advent Cycle B. Sa loob ng klase, nakaramdam na ako ng panghihina.

Matapos ang klase sa Homiletics, pasadong 11:00 ng umaga, ako ay umuwi na ng bahay (SPTFH) para magpahinga. Ramdam ko na ang matinding panghihina at pagkahilo. Natulog na muna ako. Ramdam ko na rin yung init sa aking katawan na tila inaapoy na ako ng lagnat. Gumising na lang ako ng ala-6 ng gabi upang maghanda sa pagdiriwang ng Personnel's Day...

Nakabawi naman ako ng lakas pero ramdam ko sa kaloob-looban ko ang tila panghihina ng aking katawan. Inisip ko na lang KAARAWAN ko ito... kailangan kong magsaya, magpasalamat at magdiwang... Dito ko kinuha ang lakas ko...

Matapos ang programa na inihanda para sa mga Personnel, mayroon pa akong natitirang lakas para makipagkwentuhan sa mga kapatid ko dito sa bahay. May mga mangilan-ngilan na nagpatuloy sa pagdiriwang. Habang nagkukuwentuhan sila, syempre kasama nito ay mangilan-ngilang pag-inom ng serbesa bilang parte ng socialization ng grupo. Dahil nga sa alam kong ako'y may masamang nararamdaman... kape lang muna sa akin!

Pagkatapos ng aming socialization ako'y tumungo agad sa kapilya at nagpasalamat sa Diyos sa biyaya ng buhay. Nasabi ko lamang sa Kanya: "Maraming salamat po Panginoon sa biyaya ng buhay!"

Agosto 6, 2011     
    Jogging nila, Iwan ako
Dahil sa hindi maganda ang panahon at hindi rin maganda ang aking nararamdaman, hindi ako sumama sa Community Jogging. Gusto ko mang sumama at makapaglugaw ay talagang hindi pwede, dahil alam ko na ang susunod na eksena kapag pinilit ko pa ang aking katawan na makisabay sa jogging ng aking community. Kaya naman, pinagpatuloy ko na lamang ang aking pamamahinga habang iniisip ang pa-lugaw ni Fr. Gomer.


     Laborandum
Nakaramdam ako ng kaunting ginhawa, akala ko kaya ko na at malakas na ako. May nararamdaman pa rin akong pagkahilo at panghihina pero hindi ko muna inisip ito. Sa halip sumama ako sa Laborandum. Wala ang pangalan ko sa Laborandum assignment, sa pag-aakala ng Chairman na hindi pa ako magaling. Kaya nilagay na lamang ako ni Chairman sa Multi-purpose hall para doo'y makapaglinis.
     
    Transfiguration, pahinga ulit!
Pagkatapos ng Laborandum, sumunod naman ang Misa. Ito ay pagdiriwang ng Transfiguration ng ating Panginoong Jesu-Kristo. Nakadalo pa ako sa Misa pero dito muli kong nararamdaman ang panghihina ng aking katawan.


     Lunch Time
Pagkatapos ng Lunch, sinabihan ko si Fidel na siya muna ang maghugas kapalit ko bilang "bayad-puri" sa paghuhugas ko noong Thursday (na kung saan siya ang naka-assign maghugas). Sinabi ko rin na masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako makakapaghuhugas.


    Pahinga na ulit!
Pagkatapos ng Lunch, umakyat agad ako sa kwarto ko para magpahinga. Doon ko na nararamdaman unti-unti ang paghina ng aking katawan, pagtaas ng temperatura ng aking katawan, malimit na pag-ubo at hindi maintindihang nararamdaman na pamamanhid ng aking mga palad sa kamay at paa.


Agosto 7, 2011 - Pagdalaw ng aking mga Magulang
Nagising ako sa katok ni Kuya Rommel. Sinabi niya na dumating ang aking mga magulang. Hindi agad ako makatayo dahil nga sa nararamdaman kong pagkahilo at panghihina. Kaya bumuwelo muna ako saglit sa aking kinahihigaan. Pagkatapos ako'y naghilamos at ramdam ko  ang katamlayan ng aking katawan.


Kinamusta ako ng aking mga magulang. Sinabi ko na masama ang aking pakiramdam. Nilagay nila ang mga damit ko na nilabhan at pinalantsa nila sa aking kwarto. Nakita ng nanay ko na madumi ang aking kwarto kaya nilinis niya agad iyon. Alam ng nanay ko na isang buwan na akong hindi naglilinis ng kwarto dahil sa kapal ng alikabok nito't mga agiw. (Ang galing!) Pagkatapos magpatas ng mga damit ang aking mga magulang sa aking kabinet at pagkatapos maglinis, umalis kami papuntang botika para bumili ng mga gamot ko.


Pagkabili ng mga gamot, inihatid ako sa seminaryo (SPTFH). Inihatid pa ako ng nanay ko sa aking kwarto habang bitbit niya ang mga gamot, gatorade at biscuit na binili nila para sa akin. Ipinagdasal niya ako upang ako ay gumaling agad.


Agosto 8, 2011
Gusto ko mang kumuha ng exam sa Canon Law at Pentateuch ay hindi ko pa rin magawa. Nahihilo pa talaga ako at nanghihina. Wala din akong maalala sa mga binasa ko. Kung meron man, hindi ko naman maunawaan. Sabi ko nga baka hindi rin gumagana ang brain cells ko. Nagtangka akong pumasok sa DWST, pero sa kalagitnaan ng aking paglalakad nakaramdam ako ng pagkahilo, panghihina at matinding pagkahingal. Kaya, bumalik na lang ako sa bahay  para magpahinga. Anyway, pinalipas ko na lang yung araw na ito sa pamamahinga. Sabi ko na lamang, kung sa bagay marami pa namang exams na darating, samantalang ang buhay ko iisa lamang.


Agosto 9, 2011
Pinilit ko talagang pumasok sa pagkakataong ito sapagkat ito ay reporting ng aming grupo sa Christology. 7:45 ng umaga nagtungo na kami nina Jerico at Philip sa DWST para magset-up ng mga gamit. Dito, ramdam ko ang di pangkaraniwang pagpapawis ng aking katawan. Di naman ako binabanas pero pinagpapawisan ako... kaya halatang maysakit talaga ako. Iba rin ang boses ko- parang lumiit ang tono. Habang nagbibigay ako ng panimula sa aming reporting, ramdam ko pa rin ang panghihina. Nilalabanan ko na lamang ito alang-alang sa aking mga ka-grupo, mga kaklase at sa aming guro. Mahirap. Pero nakayanan ko naman sa tulong at awa ng Diyos kahit nanghihina ako't namamanhid ang katawan nakaraos din. Pagkatapos ng aming digital reporting, nakita naman namin na natuwa at nagustuhan ng aming guro't mga kaklase. Ad Majorem Dei Gloriam!


Hindi na ako nagpahatid ng pagkain kay Cacayorin sa aking kwarto. Bumababa na lang ako sa Dining Hall. Pag Community Prayer Time naman, bumababa na ako sa Chapel. Nabobored na kasi ako dito sa kwarto. Kahit ramdam ko pa rin ang panghihina ng aking katawan, kailangan kong lumaban at kailangan kong magpalakas sa tulong din ng iba at higit sa lahat sa tulong ng panalangin!

Friday, August 5, 2011

A CHRIST-CENTERED SPIRITUALITY


Last time in the subject Missionary Spirituality, we discussed about its Christological perspectives/ dimensions. With this, I understand and appreciate more the words of St. Paul to the Galatians saying "...it is no longer I who live, but it is Christ who lives in me." (Gal. 2:20). This means that a person who aspires to become a missionary means he/ she aspires to become like Christ.

Furthermore, the spirituality of a missionary is a spirit centered to Christ, that is, one in Christ.

I realized that without this spirit centered to Christ, one's missionary work will become fruitless, useless and meaningless.

One's intimate or personal relationship with Christ qualifies one's discipleship. Eventually, a missionary who shares in the lifestyle of Jesus Christ turns to be "consecrated" disciple who believes, hopes and loves.

I learned also that a missionary who centered his/ her life to Christ, as his/ her ultimate source of grace and blessings, has the attitude of communion with God, communion with others and communion with oneself.

Nevertheless, a missionary moves according to the movement (or inspiration) from the Trinity. This means that a missionary who is Christ-centered is a missionary knows very well the "science" of relationship.

Thursday, August 4, 2011

TAILORED FOR MISSIONARY VOCATION



In the diagram that was presented to us by our professor in Missionary Spirituality, I learned that the vocation to become a missionary is not an easy decision. I realized that a candidate who wishes to become a missionary passes through series of tests, challenges and scrutinium. 


Aside from the personal discernment of a candidate, his/her superiors and formators are also discerning for his/her "suited-ness" or "fitted-ness" to a "vocation within a vocation," or called as missionary vocation.


Moreover, the discernment to become a missionary is not just an individual task. Instead, it is a communal task to discern (plus to help) a candidate in his/ her vocation. Of course, the candidate's talents, skills and inclinations will be considered also.


I learned that candidate's consistency of words and actions, personal conviction, pure intention and right motivation will be highly considered in the communal discernment.


In the final analysis, spiritual discernment is for the candidate's good and not for his/ her destruction. It helps him/ her, I think, to discern whether he/ she is "tailored for" missionary vocation.


To end this, let me quote the words from a Jesuit missionary, Richie Fernando:

"I know where my heart is. 
It is with Jesus Christ, 
who gave his all for the poor, the sick, the orphan ...
I am confident that God never forgets his people: 
our disabled brothers and sisters. 
And I am glad that God has been using me to make sure 
that our brothers and sisters know this fact. 
I am convinced that this is my vocation/ mission.
I am a Jesuit.
I know where my heart is." 


And you-
do you know 
where your heart is?



Do you know where are you
tailored for?