Noong una, kapag ako ay nilalagnat o nagkakasakit, naiisip ko agad na maraming mga bagay o mga gawain akong hindi magagawa sapagkat ako ay mahina, masama ang pakiramdam, nahihilo o inaapoy ng lagnat. Pero sa pagkakataong ito, habang ako ay patuloy na nakakaranas ng paggaling mula sa pagkakatrangkaso, maraming mga bagay akong natutunan. Hindi ko sinasabi na O.K. lang na magkasakit. Nais ko lamang sabihin na sa kabila ng karamdaman o sakit ay mayroon pa rin tayong makukuhang mga aral at mga leksyon na inihahatid nito.
Narito ang unang LIMANG BIYAYA na aking nakuha sa kabila ng aking karamdaman:
2. NAKATAPOS AKO NG ISANG SPIRITUAL BOOK. Natapos kong basahin ang isinulat na libro ni Fr. Jose Francisco C. Syquia na may titulong "Exorcist: A Spiritual Journey."
Bukod sa pagkamangha at pagkabilib ko sa mga exorcists, napabilib din ako sa mga prinsipyo na sinabi niya sa kanyang libro. Ang librong ito ay pumapatungkol sa kanyang paglalakbay simula bata hanggang siya'y naging pari at naging exorcist. Ipinakita dito ang kanyang vocation journey. Nakita ko kung papaano na si Fr. Syquia ay humarap sa kanyang kahinaan at ito ay kanyang isinaayos. May mga ilang punto sa kanyang buhay niya na nagkakahawig kami kaya maraming punto sa kanyang pananalita sa libro ang talaga namang nakakuha at nakapukaw sa aking atensyon. Narito ang mga piling salita niya na kinuha ko o quotes mula sa kanyang libro na nagustuhan ko:

a. "The devil truly desires that we believe we can have total control over our destinies and that we have no need of God. That we can become happy without God, this is the ultimate lie. Imagine the devil, the ultimate prisoner and unhappy one passing himself off as the great dispenser of happiness and freedom. Our psychic abilities and all the powers of the devil (which is merely preternatural) can never compare with the supernatural power of God who governs with love and providence the entire universe." (Syquia, Exorcist, 103)
b. "...that which is greatest in a person is usually that which is not seen, that which one has given up and sacrificed, that which one has willingly lost." (Ibid., 128)
c. "Being true to our commitment to God is therefore of utmost importance if we are to truly glorify God and reach the destination his plans have prepared for us." (Ibid., 134)
d. "Commitment is like a map at the beginning of any journey; in the beginning we think we don't really need it because we see our goal so clearly, like a mountain climber who sees the mountain peak far away and the road leading to it. But then, during the journey there are times when the peak is shrouded in dense fog or some more alluring and easier paths appear along the way. In our life's journey, sooner or later come the moments of allure of other values, haziness, weakness, temptations, dryness, and distractions. Options will come and these options will seem to be better because of their intensity and accessibility. And that is when the map becomes indispensable because the choices laid before us have made it difficult to follow the best path to reach our goal. That is the time to focus on the map and be faithful to following it. The map tells us that the peak although hidden is still there. We trust in the commitment we have made (map) when the road we have chosen is not seen clearly at the moment. Then we realize those other roads may look better but better only for the moment and will not take us where we have chosen to go. Remaining steadfast in our commitments no matter what happens will lead us to make the right decisions that will help us reach goal. We trust that the commitment will bring us to our destination. It is therefore protects the chosen road that God has offered us. This faithfulness to one's commitment is what will bring us most intimately and securely to God at the end of the journey, one will be forever grateful, fulfilled, and at peace because he has followed faithfully his map (commitment)." (Ibid., 135-135)
e. "Seminary formation is truly challenging; all stimulations and pleasures that has continually distracted and has catered to the self-centered "old man" in us are suddenly not there anymore. The seminary put the person in an environment wherein he either starts to seek what is spiritual, the God and other-centered "new man," or ends up restless, bored, and unfulfilled. A seminarian has to be accustomed to silence and aloneness to become sensitive to the gentle presence of God." (Ibid., 149-150)
3. NATUTO AKONG HUMINGI NG TULONG. Dahil nga sa nararamdaman kong panghihina at pagkahilo, natuto akong humingi ng tulong sa iba. Na-"break" talaga ang aking "Superman syndrome." Ramdam na ramdam ko na talagang may kahinaan ako. Syempre kaakibat ng pagkatuto kong humingi ng tulong sa iba, natutunan ko ang pagpapakumbaba. Natutunan ko rin ang maki-usap para sa tulong na aking hinihiling. Natutunan ko ring magsabi ng pasensiya dahil sa aking pag-utos sa aming infirmarian. At syempre ang pagkatuto ng pagsasabi ng SALAMAT!
4. BALANSENG BUHAY. Isa rin sa mga biyayang natanggap ko ay ang paalala na magkaroon ng balanseng pamumuhay. Maraming pagkakataon kasi na ako'y nagpupuyat sa mga may kwenta at mga walang kwenta ring mga bagay. Ito rin ay magandang signos sa akin na hindi ko naman kinakailangan na maging matagumpay sa lahat. Kailangan ay balanse lang. Kaya rin siguro ako nagkasakit dahil may mga lifestyle ako na hindi na angkop sa aking kalusugan at kailangan ng alisin. May mga bagay na dapat kong gawin ulit, tulad ng paglalaro o pageehersisyo, para manumbalik ang dati kong natural na lakas. Ang lahat naman ng ito ay nakukuha at nakakamit sa balanseng buhay.
5. SIMPLENG BUHAY. Noong nagsimula akong nagkasakit, para bang bumalik ako sa simpleng pamumuhay. Simpleng pagkain. Simpleng inumin. Simpleng pananamit. Simpleng gawain lang ang pwede kong gawin dahil hindi ako pwedeng mabinat. Simpleng schedule. Lahat simple! Siguro ang pangyayaring ito ng pagkakasakit ay talagang matinding paalala sa aking ng kaSIMPLEHAN... Kung gusto kong mabuhay ng maayos, magaan at maluwag... ang Simpleng Buhay ay ang siyang sagot para dito. Hindi kumplikado, kaya no worries, no sickness!

No comments:
Post a Comment