Friday, July 24, 2009

Si Santo Hannibal ay nasa Laguna Na!



Kinahapunan matapos ang Ordinasyon sa pagkapari ni Reb. Pdr. Dante Quidayan, RCJ ay binanasbasan ang kauna-unahang monumento ni St. Hannibal Maria Di Francia sa Laguna. Ito ay matatagpuan sa Junction ng Barangay Marinig, Bay, Laguna. Isang paalala ito na may Rogasyonistang bokasyon na sa Laguna, partikular na sa bayan ng Bay. Magandang pagninilay rin ito na ang pinamana ni Santo Hannibal tungkol sa pagpapahalaga sa panalangin para sa maraming bokasyon ay ina-ani ngayon sa probinsiya ng Laguna. Kaya naman Santo Hannibal, hindi ka lamang Italyano ngayon isa ka na ring LAGUNENSE! Welcome at mabuhay po kayo, aming bagong kapatid na Lagunense! Ikinararangal namin ang iyong pagdating, impluwensiya at magiging impluwensiya sa aming lugar at Diyosesis.




No comments: