Saturday, July 11, 2009

My 2nd Parish Exposure-Apostolate







SAINT POLYCARP PARISH
POBLACION, CABUYAO, LAGUNA

Nagsimula ako ng aking Parish Exposure-Apostolate noong June 24, 2009. Layunin nitong nasabing exposure-apostolate ay magkaroon ako ng "discernment" sa buhay ng pagiging diyosesan na pari. Layunin din nito na makilala ako ng mga pari ng diyosesis ng San Pablo at makilala ko ang mga pari at ang buhay-diyosesan.

Isa rin sa mga hangarin nito ay ang makatulong sa parokya na aking pinaglilingkuran at tulungan ako ng parokya (sa pangunguna ng kura-paroko nito) upang makarating sa matibay, maliwanag, mabuti at magandang desisyon sa pagpapatuloy sa buhay-pagpapari. Samakatuwid, isang "paghuhubog" ang nagaganap sa programang aking nilalakbay ngayon. Isang paghuhubog na magdadala ng mas may kakayanan at mas may kabutihang-taglay sa bokasyon ng pagpapari...

Gabayan nawa ako ng Poong Maykapal sa tulong ni San Policarpo sa paglalakbay na ito...

No comments: