Monday, July 11, 2011

ANG PINTO NG LANGIT

Habang namamasyal ang Panginoon sa paligid ng kalangitan, napansin niya ang di-pangkaraniwang pagdami ng mga bagong saltang kaluluwa sa loob ng langit.
Dahil dito tinawag niya ang atensiyon ni San Pedro upang magpaliwanag sa mga pangyayari.
Tanong ng Panginoon, “Pedro, bakit biglaan yata ang pagdami ng mga kaluluwa dito mula sa purgatoryo? Di ba sabi ko sayo maglagay ka nang No ID, No Entry sa harap ng gate? Sinabi ko rin sayo na maglagay ng gwardiya para mahigpit na magbantay sa gate natin?”
Sagot ni Pedro, “Panginoon, ginawa ko naman po ang lahat ng pinag-uutos niyo… pero yung inyo pong nanay kasi ang nag-uutos sa gwardiya na papasukin yung mga kaluluwa na mula sa purgatoryo.”
Dagdag pa ni Pedro, “Tapos sinasabi pa po ng inyong nanay na mga anak niya naman ang lahat nung mga nakapilang kaluluwa sa gate.”
Ani pa ni Pedro, “Pinaalalahanan ko nga rin po ang inyong ina na No ID, No Entry, pero ang sabi niya na may bitbit namang rosaryo yung mga kaluluwa at yun ang “passes” nila.”
Naalala ko po tuloy noong ako ay bata pa… kapag ako po ay pupunta sa opisina ng aking nanay ako po ay kadalasang hinaharang ng gwardiya at ituturo sa akin ang karatulang may nakasulat na “No ID, no entry”… Ang aking ina naman ay sisilay sa may bintana ng kanyang opisina dahil alam niya na ako ay darating upang manghingi ng baon. Pag nakita na niya ako, dali-dali siyang pupunta sa gate at sasabihin niya sa gwardiya: “Manong, papasukin mo yang batang iyan dahil anak ko siya.” Pagkatapos, ako ay papasukin nga ng gwardiya. Ako ay hahawak sa kamay ng aking ina. At tuwang-tuwa naman ako sa pagpasok sa opisina ng aking nanay.
Si Maria, ang ating Ina bilang Pinto ng Langit, ay nakaantabay lamang sa ating taos-pusong panalangi’t pananampalataya upang tayo ay makapiling din ng Diyos Amang nasa langit. Ang titulong Pinto ng Langit ay pagpapa-alala sa atin na tayo man ay makakapasok sa kalangitan sa pamamagitan ni Maria… sa tulong ni Maria… sa pagtanglaw ni Maria… sa pananalangin gamit ang rosaryong pamana sa atin ni Maria.
Ang labing limang (15) Pangako ng Mahal na Birhen sa lahat ng mga Kristiyanong nagdarasal ay mababanaagan ang katotohanan na si Maria ay tunay ngang pinto ng langit. Sinasabi dito na ang Rosaryo ay magtataas sa atin sa pagnanais sa walang hanggang kaligayahan. Ito ang nagpapabanal sa atin upang tayo ay lalong maging karapat-dapat na makapasok sa kalangitan. Sinasabi rin sa Pangakong ito na ang matatapat na anak ng Santo Rosaryo ng Mahal na Ina ay magkakamit ng mataas na kaluwalhatian sa langit. Ang lahat ng tagapagtaguyod ng Rosaryo ay magkakaroon ng tagapamagitan sa buong kalangitan. Ang lahat ng nagdarasal ng Santo Rosaryo ay ibibilang ng Mahal na Ina bilang kanyang anak at kapatid ng bugtong anak niyang si Hesus. Dahil dito, si Maria ay nararapat lamang tawaging Pinto ng Langit.
Para sa kalalagayan sa pangkaraniwang karanasan natin bilang tao, nais kong magbahagi muli ng kwento na natanggap ko sa aking e-mail na kung papaano ang isang ina ay naging Pinto ng Langit sa kanyang anak. Ang ina sa kwentong ito ay nagsilbing pinto ng langit sa tagumpay na minimithi ng kanyang anak…
His mom only had one eye. He hated her. She was such an embarrassment. His mom ran a small shop at a flea market. She collected little weeds and such to sell anything for the money they needed. She was such an embarressment. There was this one day during elementary school. It was field day, and his mom came. He was so embarressed. How could she do this to me, He thought and threw her a hateful look and ran out.
The next day at school... "Your mom only has one eye?" ..and they taunted him.
He wished that his mom would just disappear from this world so he said to his mom, "Mom.. why dont you have the other eye?! If you're only gonna make me a laughing stock, why dont you just die?" His mom did not respond.. He felt a little bad for behaving like this, but at the same time, it felt good to think that he had said what he wanted to say all this time.
Maybe it was because his mom hadn't punished him, but he didn't thought that he had hurt her feelings very badly.
That night...
He woke up, and went to the kitchen to get a glass of water. His mom was crying there, so quietly, as if she was afraid that she might wake him. He took a look at her, then turned away because of the thing he had said to her earlier, there was something pinching at him in the corner of his heart. Even so, he hated her mother who was crying out of her one eye.
So he told himself that he would grow up and become successful because he hated his one-eyed mom and their desperate poverty.
Then he studied real hard. He left his mother and came to Seoul and studied, and got accepted in the Seoul University with all the confidence he had. Then, he got married.
He bought a house of his own. Then he had kids, too. Now he was living happily as a successful man. He liked it here because it's a place that doesn't remind him of his mom. This happiness was getting bigger and bigger, when..
What?
Who's this?
...it was his mother still with her one eye. It felt as if the whole sky was falling apart on him. His little girl ran away, scared of his mom's eye and he asked her, "Who are you? I don't know you!" as if trying to make that real. He screamed at her, "How dare you come to my house and scare my daughter!"
"GET OUT OF HERE! NOW!!!"
and to this, his mother quietly answered, "Oh, I'm so sorry. I may have gotten the wrong address" and she dissappeared out of sight. Thank goodness... She doesnt recognize him, he thought. He was quite relieved.
He told himself that he was not going to care, or think about this for the rest of his life. Then a wave of relief came upon him.
One day, a letter regarding a school reunion came to his house. So, lying to his wife that he was going on a business trip, he went. After the reunion, he went down to the old shack, that he used to call a house...just out of curiosity to see.
There, he found his mother fallen on the cold ground. But he did not shed a single tear. She had a piece of paper in her hand. It was a letter to him.
"My Son,
I think my life has been long enough now and i wont visit Seoul anymore but would it be too much to ask if i wanted you to come visit me once in a while? I miss you so much and i was so glad when i heard you were coming for the reunion. But I decided not to go to the school for you and I'm sorry that I only have one eye, and I was an embarressment for you.
You see, when you were very little, you got into an accident, and lost your eye. As a mom, I could not stand watching you having to grow up with only one eye so i gave you mine. I was so proud of my son that was seeing a whole new world for me, in my place, with that eye. I was never upset at you for anything you did. The couple of times that you were angry with me, I thought to myself, 'It's because he loves me'
My Son... Oh, My Son...
I do not want you to cry for me, because of my death. Please dont cry my son, i love you so much."
He burst into tears. He could never forgive himself for making the biggest mistake of a lifetime. He realized how lucky he was to have a mom like her and how selfish he was that he never even cared for her. It was the extremely sad day for him. He would never get her mom back.
Sino bang ina ang nagnanais na mapahamak o magdusa ang kanyang anak dahil sa kapansanan o karamdaman nito? Sino bang ina ang hindi nagsakripisyo ng kanyang buhay para sa kanyang anak? Sino bang ina ang kayang magtiis sa kanyang anak na may kahinaan at katigasan rin ng ulo?
Wala… Walang “tunay” na ina na kayang tiisin ang kanyang anak na naghihirap sa labas ng gate… Walang ina na kayang magtiis na mabuhay ang anak sa labas ng gate na may karatulang “NO ID, NO ENTRY”.
Tulad ni Maria, siya ay ina nating lahat na hindi nagpapabaya. Ika nga sa awiting “Mariang Ina Ko”: Siya ang talang gabay sa ating paglalakbay sa bundok ng buhay. Siya rin ang tulay natin sa langit. Siya ang magtatangnan sa ating kamay sa bingit ng hukay. Siya ang tagabulong natin kay Kristo upang maparating ang mensaheng: “MAHAL KITA, HESUS”
Kaya naman, si Maria ang “passes” natin upang makapasok sa gate na inaasam natin.
Maria, Pinto ng Langit, Ipanalangin mo kami.

No comments: